Entry: pagod Wednesday, October 31, 2007



Pagod na ako
 sa kakaisip kung ano ang
 tumatakbo sa isip mo.

Pagod na ako
 sa kakahabol sa iyong
 patuloy na pagtakbo papalayo.

Pagod na ako
 sa mga pangungusap mong
 daig pa ang 'rosetta stone'.

Pagod na ako
 sa pag-aalala kung
 ikaw ba ay masaya.

Pagod na ako
 sa paghahanap ng paraan upang
 masigurong masaya ka nga.

Pagod na ako
 sa pagpapanggap na ako man
 ay masigla at matapang.

Pagod na ako
 sa kakagawa ng paraan upang
 ako ay iyong maintindihan.

Pagod na ako
 sa lahat ng ito . . .
 at iba pa.

Pagod na ako
 ikaw?
 Sana.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments